All seemed lost until my son picked up his darts pins again.
Backtrack: Every time magbakasyon ako from Singapore last time (during the time na nagda-darts ako roon), pina-practice kong mag-darts ang panganay kong anak, who was around 8-9 years old at the time. Practice-practice lang, para lang matuto siyang bumato. Hindi rin naman kami lumalabas dahil wala nga naman akong makitang mga puwedeng salihan.
Of course, hindi naman siya seryoso rito. So, it was just in passing. Kapag nangangati kamay ko at gusto kong mag-darts, laro kami. Una kong binili sa kanya ay ang electronic darts. Nasubuka ko kase ang DARTSLIVE sa Singapore. It was okay. parang mas madali kaysa sa steel tip darts. Pero sa mga bar nga lang mayroon nito. And napaka-expensive kapag mag-bar doon. Kaya wala, hindi ko rin “tinangkilik”.
I figured, since plastic, mas less ang chance na makasugat sa anak ko during that time he was practicing, kaya OK lang.
Eventually nga, I bought him a starter darts pins. Starter kase hindi ang mamahaling pin binili ko. Ang mahalaga ay matuto siya kung paano. Tutal, pagbalik ko sa SG, hindi na niya uli mahahawakan ang darts niya, so hayun.
Fast-forward to last year. Grade 11 na siya. Face-to-face na ang klase. And it turned out, may mga activities na sa school nila. Tapos, may Sportsfest: December and February. Since naging into basketball siya, nag-tryout siya sa basketball. Wala, larong Steph Curry eh. Kaya lang kulang sa lakas ni Curry. Tapos lahat ng mga kasama niyang mag-tryouts ay mala-Nikola Jokic ang dating. So, hayun, hindi rin siya nakapasok. However, since he started running before all these were happening, napansin siya ng coach. Tinanong siya kung gusto niyang sumali sa mga running events. So, even though feeling dejected siya sa hindi niya pagpasa sa basketball tryouts, happy pa rin at naging member ng House Team nila para sa track events.
Nagkataon na may darts na event sa Sportsfest nila. Then ang schedule ay February pa. Hayun, there’s still time. And that’s when I saw the opportunity to play darts again. At least, malaki na ang anak ko, so talagang puwede nang magkalaban na kami habang nagpa-practice siya.
It actually took a lot of cajoling for him to sign up for the said event, since ang mas focus niya ay ang running. Eventually, he relented. Then started his practice. Kino-coach ko rin. Tamang stance, tamang bato, sweet spot niya, tamang asinta, etc.
Of course, I can see his improvements week after week. Improvement in the sense na, nagiging OK na ang bato, maski hindi pa ganoon ka-asintado talaga. Marunong nang bumato, kumbaga. Pero hindi magaling.
Finally, Sportsfest na nila. Since na-snub ang darts, wala nang naging tryouts para sa House Team nila. Kung sino nag-sign up, siya na representative/player.
Long story short, nag-second place ang team nila (isa lang ang event ng darts: Team Competition). Since tatlo sila sa House Team nila, tapos dalawa lang ang isang House Team na nakalaban nila sa finals, talo sila kase hindi raw siya “nag-init”–tatlo kasi silang nagsalitan ng tira as compared sa kalaban nila na dalawa lang. May point.
Of course, nanalo rin siya sa track events nila–individuals at team events.
Kaya OK na rin ang Sportsfest result niya.
Pero ang mas importante nito, nanumbalik ang hilig niya mag-darts.
However, para hubugin talaga siya–kasi nga, frustrated darts player ako, so siya na lang ang huhubugin ko para maging relatively magaling since 17 pa lang siya ngayon–hindi doon nagtatapos ang journey niya. At hindi rito nagtatapos ang kuwento ko.
Until my next post. Stay tuned!
Ronin