“Just a Pub Game” Stigma

In relation to my previous post, isa sa mga reasons kung bakit, in my opinion, hindi nagiging ganoon kalaganap ang “sports” na darts sa Pinas ay ang fact na this is still considered a “pub game” or “bar game”.

“Pub” and/or “bar” game. Ang hirap na ngang i-categorize na “sport” ang “game” na darts. Ngayon, the fact na mas alam ito as a “pub” or “bar” game lang ay lalong nagpapahirap pa na maipalaganap ang sport na ito sa bawat sulok ng Pilipinas (compared to basketball—hindi ka naman maglalaro ng basketball habang nag-iinuman, for example).

Sa tingin ko, kapag sinabing “pub” or “bar”, nangangahulugan ito ng, well, inuman. Beer. Alak. Lasingan. So, in my opinion—again, in my opinion lang ha (every one is entitled to his/her own opinion), kaya naman hindi talaga napapansin masyado ang darts—except for those people na may mga kilala na naglalaro na talaga nito, at nag-e-encourage na maglaro rin nito (parang ako, kung saan talaga namang ine-encourage ko ang anak ko at mga pamangkin na maglaro nito) at magpaliwanag na hindi lang ito sa bar nilalaro—ay dahil sa “image” na pino-portray nito.

Which is, laro lang ng mga nag-iinom, or laro lang sa mga lugar inuman. Parang billiards, for example, sa isang typical bar sa US, ang makikita ay mga billiards table—madalang ang darts. (Sa Europe, I believe, puro darts board naman).

I may be wrong. Pero, that is the initial image na maiisip ng kung sino man na hindi nakakaalam sa darts. Darts has always been associated with pubs, bars, and leisure activities rather than being recognized as a competitive sport.

Ang perception na ito ang talagang nakakaapekto sa pagkakaroon ng mainstream appeal ng darts sa Pilipinas, at ang nagiging balakid para i-consider ang darts as a serious sporting endeavor.

For example, sa isa sa mga nakita kong MIMO event last time, mayroong isang player na parang lasing na, nakahubad pa. Naglalaro nang walang t-shirt, (buti na lang naka-shorts pa), pero mukhang lasing pa. Maaaring sabihing maarte lang ako, pero, napakapangit na combination eh. Hindi bale sana kung nakahubad pero macho, ‘di ba. At least, eye-candy, kumbaga. Kaso, mukha pang butete eh ang porma ng katawan eh. Seriously speaking, nakakasira kasi ng image ng darts eh.

OK sige, sa larong basketball, maraming ngang naglalaro nang nakahubad, tapos pawisan lahat kasi nga puro takbuhan. Pero so what? Eh laganap na ang basketball eh. Nasa Philippine TV na ang basketball.

Ang darts, wala pa. Kaya dapat sana, pagandahin natin ang image ng darts. Na hindi image nang nag-iinuman. Sure, sa mga big-time events ng NDFP, makikita mo ang mga tables na may mga alak/beer. Which is, okay, sure; even  sa Europe, ang mga darts events/championships, makikita mo audience mga nag-iinom din. Sa NBA nga, or sa MBL (Major League Baseball), may mga nagbebenta rin ng beer. OK, fine. Pero, ‘yun nga, uber-popular na ang mga sports na ito eh.

Kung gusto nating mas lumaganap pa ang darts sa Pilipinas, I mean, magsimula tayo sa mga simpleng steps. Promote the game minus the inuman/lasingan part. Paano mo mae-encourage ang mga bata na maging serious sa darts, kung ang image na nakakabit sa darts ay inuman? Paano mo mako-convince ang mga magulang nila na hayaan silang maglaro, ‘di ba?

Sure, maarte lang siguro ako, pero in my opinion, for darts to really be taken seriously for the rest of the Pinoys na hindi aware sa sport na ito, I guess it is time to dress it up properly.

One good avenue that I am seeing is the event being held by Anabu Darts Club every Thursday sa Robinsons Place Imus. At least dito, walang inuman. Talagang serious darts lang. Of course, MIMO pa rin ito, but may camaraderie, may katuwaan, especially sa mga members ng Club. We are glad at in-accept nga kami, despite the fact na hindi kami taga-Anabu. Also, may isang foreigner na member pa ito, na talaga namang during the past two weeks na sumama kami ay laging present.

We have to have more of these venues eh. And then yes, we can play darts naman without the inuman part. Sure, nagkakatuwaan lang. Para mas masaya. Pero, for me, for darts to really be accepted as a serious competitive sport, dapat medyo ayusin natin ang image nito.

Of course maraming ways kung paano mapapalaganap ang darts sa Pilipinas. Such topics I would write about—all in my opinion lang ha. Pero we can also do our part in ensuring that this game is for everyone by giving it a much presentable appeal.

Happy darting!

Ronin

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *