I love darts. Ever since maranasan ko itong laruin sa Baguio one time nagbakasyon kami sa angkan ng tatay ko noong nasa high school ako, I have always wanted to join darts tournaments and competitions. ‘Yun nga lang, wala kaming pera noon, kaya wala akong pambili ng dart pins, lalo na dart board.
Dumating ang college (DOST scholar ako, kaya nakakapag-aral ako ng libre, tapos may allowance pa every month). Sa state university lang ako (TUP Manila). Kung ang mga bigger universities ay may UAAP, nagkataong mayroon din kaming ganoong event: ang SCUAA. So puro state colleges and universities ang naglalaban-laban dito. Nagkataon na mayroong darts. So nagkaroon ng try-outs para sa College of Engineering Team. Mabuti na lang, ang tito kong seaman ay may dart board. Tapos, ang classmate ko, may pin. Kaya nahiram ko pareho at nakapag-practice ako sa bahay.
So, natuto akong bumato. Hindi magaling, pero natuto. Practice nang practice lang. Ang usong mode of play noon ay Killers (basically, cricket siya pero hanggang 12 instead of 15 lang). So ganoon nang ganoon lang ang practice ko. Wala akong ibang alam na laro eh. Wala ring Internet noon, kaya hindi ako nakapag-research. Basta ang alam ko, tamaan mo nang tatlong beses ang number, closed na. Tapos, kapag natamaan mo ang mga numbers na hindi pa closed ang kalaban mo, score mo na ito. Maghahabulan kayo ng score at closes.
The day before the actual tryouts, naaksidente ang mga tito ng girlfriend ko. Ang isa, kinailangang dalhin sa ER. Since napagod na sa kakalakad everywhere ang GF ko, ako na ang sumama sa auntie niya sa ER ng PGH para mai-admit ang tito niya. Overnight. Ang dami kong nakitang iba-ibang klase ng emergency. May nataga. Daming dugo. Tapos sa isang part ng ER, may umiiyak paano namatay na ang pasyente. Tapos mayroon isang binatilyo, dinala around madaling-araw na iyon. Nakaharap sa akin. wala naman akong makitang sugat or ano man para dalhin siya sa ER. Noong tumalikod kase ie-examine na ng doktor, walastik, may pana sa likod! Nakatusok pa! Grabe.
Anyway, umuwi rin ako kinaumagahan. Pero siyempre, sobrang pagod at puyat. Wala ka namang mahihigaan or mauupuan sa ER ng PGH noon.
Umuwi lang ako sa bahay para mag-almusal at maligo, tapos diretso na sa school para mag-tryout. Killers, best of three, single knock-out ang mode of play… dapat. Kaso, noong naka-1 all na kami ng kalaban ko, na-suggest niya na mag-eskalera kami.
I am not sure kung kasama ang eskalera ang mga mode of play ng darts–pero para sa mga pinanganak ngayon, ang eskalera ay parang killers–except kailangan sunud-sunod ang tatamaan mo: 20, 19, 18, 17… all the way down to 12, tapos bulls. Kailangan ding i-close bawat isa. Technically, unahan lang, walang score-an.
Midway through the game, lamang na lamang na ako, biglang dumating ang instructor namin (na siyang magiging “coach” ng darts team ng college namin). Nakita niya ang nilalaro namin, and then sinabi niya na hindi daw dapat ganito, kase hindi ito “accepted”, kumbaga. So, nag-usap kami ng kalaban ko kung ayusin namin; nabanggit niya na depende raw sa akin, kasi lamang na raw ako…
Hindi ako magaling, pero feeling ko naawa ako yata, and tama nga ang instructor namin. So pumayag na rin ako mag-killers for the decision leg.
Hayun, talo. Hindi ako napili sa team ng college namin. Ang defense mechanism ko that time sa sarili ko ay dahil nag-overnight ako, walang tulugan, sa ER ng PGH.
Kaya nga naman talagang frustrated darts player ako. I love darts, pero darts doesn’t love me back.
Pero, sabi nga nila, walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. After that setback, matagal uli bago ako nakahawal ng dart pins. Kasi ibinalik ko na sa tito ko ang board, tapos ibinalik ko na rin sa classmate ko ang pins niya.
Naka-graduate college, nakapag-asawa, nagka-anak, and then napunta sa Singapore, at dahil buhay OFW na, naghahanap na ng mga kasamang Pinoy–na mahilig sa darts. Nakakita naman ako ng group. Pero sobrang mahal para lang makapaglaro ng darts doon. Tapos hindi pa ako marunong, kaya hayun. Lugi kada sali sa MIMO games. That time, isang beer tower eh around P1,500 na. Tapos bayad pa sa registration. Tapos pamasahe mo pa papunta at pauwi. Tapos talunan. Lugi talaga. Hahaha
Oh well, at least masaya. Nakaka-asinta ka. Ang camaraderie. Pero dito pa lang, nakikita ko na ang parang “mali” sa darts environment. (More on this in my next posts.)
Umuwi ako after almost 10 years. For good na, kumbaga. As it turned out, nagda-darts din pala ang bayaw ko. So for a while, nagda-darts lang kami sa bahay. And then when the time came na feel ko eh marunong na uli ako, ginusto kong sumali uli sa mga tournament. Ang hirap maghanap kung saan puwedeng maglaro.
Take note, hindi pa kase ganoon kauso ang social media noon, medyo nagsisimula pa lang, and then I think, hindi pa ganoon kabilis ang utilization nito para sa mga darts events dito sa Pilipinas.
So, hayun. Hanap ng mga bar na mayroon (through social media, websites, etc.). May isa kaming ni-try puntahan sa Las Pinas. Malapit sa SM Southmall. Wala naman. Sarado na pagdating namin.
Which led me to email NDFP. Nagtatanong ako kung bakit lahat ng events ay naka-focus sa Visayas, Mindanao, at northern Luzon. Wala masyado sa NCR. (Either wala, or wala lang talaga akong alam at wala ako sa mundo ng darts that time, kaya hindi ko kilala kung sino ang may mga alam, contacts, etc.)
So, ‘yun nga, nag-email ako. Standard, info email lang. Tipong parang ang webmaster yata ang na-email ko, or info@ndfpdarts.com yata.
Nagulat ako dahil ang sumagot ay si Sir Tito Soncuya. Nakalimutan ko na ang exact nilalaman ng email niya, pero ang gist ay mas organized daw ang darts scene sa southern Philippines. Tapos, parang mapolitika raw dito sa Manila/NCR. Doon ko lang din nalaman na siya pala may-ari ng Robson.
Anyway, kaya pala. So, hayun, abang na lang ako ng abang ng kung saan mayroon puwede salihan. Tina-try ko rito sa Alabang, Muntinlupa area. Pero wala naman. Para ngang until now, walang team dito sa Alabang. May nakita ako sa Facebook, pero parang hindi naman active.
Well, ang isang nasalihan namin ng bayaw ko ay ang ginanap sa Paco, Manila area. Doon sa Philippine Columbian. Noong 2016 pa ito. Grabe, sobrang daming players! Pero, feeling OP kami noon. Kasi wala naman kaming kilala. Tapos ang mga kalaban namin ay members/players ng mga teams na. Isa sa mga nakita ko that time ay si Lourence Ilagan. Masaya, pero nakaka-out of place. Of course, mga talunan kami. First-round exit. But it was worth it. Ang intense kasi. Tapos nandoon ang pressure, ang stress, ang excitement. Pero hayun nga, palibhasa eh baguhan sa competitive darts scene.
After that, wala na kaming nasalihan. Namatay na rin ang bayaw ko. Sayang nga eh. Tapos since wala naman akong makasama, itinago ko na lang ang pins ko. Ang binili kong board ay bumukol-bukol na. Display na lang ito sa labas ng bahay namin. All seemed lost…
Stay tuned for my next post.
Ronin