Baby Steps

As I’ve mentioned in my last post, naging okay ang performance ng anak ko sa Sportsfest nila, especially sa darts. (Since lagi niyang IGN eh “FuriousLegit”, tawagin na lang natin siya sa pangalang ito.)

Since next year na uli ang susunod nilang Sportsfest, gusto kong i-maintain sa kaniya ang paglalaro ng darts, so that when the time comes na maging mainstream sport na ang darts sa atin (I will discuss this more in my next posts), at least, may palaban na siya kung sakaling sumali siya.

Also, since lahat ng pinsan ko sa Baguio ay magagaling sa darts. So, nananalaytay sa dugo namin ang maging marunong–at kung diligent ka sa paglalaro everytime–maging magaling sa darts. Kumbaga, siya ang “pag-asa ko para maitalaga ang pangalan namin sa darts”. Naks.

Anyway, since tapos na nga ang Sportsfest nila, heto na at naghahanap na uli ako ng avenue para talagang magkaroon ng fire sa kanya upang ituloy at piliting matuto at maging magaling sa sports na ito. (Sports ba ang darts? I will discuss this in my next posts.)

At heto na naman ang problema ko. Napakadalang na naman ng mga tournaments na nangyayari sa Luzon. Or sa NCR. I mean, sure, may mga palaro sa Tiendesitas, sa Marikina, sa Cainta, sa Antipolo. Pero walastik, ang lalayo ng mga iyon sa amin–taga-Bacoor kasi kami.

So ang sumunod na event na pwede naming salihan, maski malayo, ay ang Robson Dartfest nitong May sa Cainta, Rizal. I mean, malayo siya, pero talagang sa isip-isip ko, para lang ma-push ang anak ko into this sport, eh talagang pagpupursigihan kong mag-effort. Maski long drive, sige, laban.

Since 17 pa lang siya, of course, doon siya sa Youth event–which is, most importantly, free of charge. Matalo ka man, OK lang.

Remember ang namatay kong bayaw? Heto na nga, since ako ang Ninong ng Bayan sa side ng wife ko, talagang ang turing ko sa mga pamangkin niya ay parang amin na rin. Since very close din ang mga anak ko at ang mga pamangkin niya sa dalawa niyang kapatid (patay na si bayaw, natira na lang si hipag). Apat ang anak ng bayaw ko, wherein halos ka-edad ng anak ko ang panganay. So, sa isip-isip ko, I might as well encourage them to play the game their father and I played together, and once, no matter briefly, competed in together.

Kaya hayun, isinama namin sa lakad ang panganay. Tawagin na lang natin siyang LoverBoy, at laging mga girls ang nasa isip.

Anyway, so hayun, nag-practice sila starting April (busy rin kasi talaga sa school works–Grade 12 ang isa, Grade 11 ang anak ko, kaya talagang puyatan din sa mga school requirements). So very limited din ang practice nila. Since May 28 naman ang event, okay lang at may time pa para mag-practice.

Long and short of it, dumating kami sa iL Centro Mall sa Cainta. Maaga kami umalis para iwas traffic. And then nakapag-register sila. Ok ang takbo ng practice. Pero I can sense na naramdaman nila ang naramdaman namin ng bayaw ko when we joined the Paco event. Tapos, paligid nila ay puro team. Kasabay din kase ng Ladies’ event.Kaya hayun, I can see na kinakabahan nga sila, at ito pa lang talaga ang pinakaunang tournament na sasalihan nila. At hindi lang ito tournament–NATIONAL TOURNAMENT pa! Tapos Ranking Event pa.

Kaya, talaga naman!

Of course, nag-first round exit sila pareho. However, kahit papaano, nakapanalo ng isang leg (best of three) ang anak ko sa kalaban niya, kaya hayun, OK naman. May isang leg nga na nahabol niya ang kalaban, until such time na 51 na lang siya. Eh na-miss ng kalaban niya ang checkout nito. So siya na. He hit 11 para sa double top. Hayun, dalawang beses daplis ang double 20. Sayang. After that, he was saying, “Kayang kaya ko ‘yun eh, Dad. Naunahan lang ako.”

And I know na kaya nga niya. It just so happened na lamang lang ng practice ang kalaban niya. And hindi pa niya talaga na-grasp ang spirit of darts competition–sa small Sportsfest pa lang nila siya nakasali sa ganitong event eh. Tapos wala na, puro practice lang sa bahay. Walang local tournaments, walang MIMO, walang ibang kalaban. Kaya talagang hindi siya nakapag-improve significantly from the last time.

PERO STILL, winner pa rin siya sa experience! Lalo na at nakapagpa-picture pa siya kina Lourence Ilagan, Ian Perez, at Noel Malicdem.

So, it was good na talagang pinagtiyagaan kong dalhin sila roon sa Summer Dart Fest sa Cainta. At least, I can see a small ember in their hearts, which I am sure will grow into a raging fire to really excel in this sport. Baby steps.

Stay tuned for my next post.

Ronin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *